ako si foo. at ito ang blog ko.
|
|
12.1.2004
hai foo!
Posted at 07:19 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.2.2004
so im stayin' wicked.
Posted at 04:36 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.3.2004
ewan ko kay ampalaya, pero yan ang sabi nya. nagising ako ng 4am, malakas kasi ang ingay ng katahimikan sa kwarto, at masakit ang tyan ko. kailangan kong kumain. bumangon ako, nag online, pumunta sa kusina at nagtimpla ng iced tea. yosi.. kelangan ko ng yosi.. walang tinapay.. sawa na ako sa skyflakes, pwera na lang kung may tuna.. hanap.. hanap.. pagkain, kailangan ko ng pagkain.. sa wakas! otap! ang tagapagligtas ng aking umaga. bumalik ako sa harap ng kyumputer.. type.. type.. wala ako sa mood mag chat.. antok pa ako siguro. masarap ang otap.. malutong, malinamnam.. may taglay na tamis at lasa na hindi mo matatagpuan sa ordinaryong biskwet gaya ng skyflakes. isawsaw ko kaya ang otap sa iced tea? hmn.. nagsindi ako ng yosi.. may tumawag sa telepono. masarap pala ang otap na isinawsaw sa iced tea habang nagyoyosi. 3 pirasong otap na malalaki pa sa pisngi ko ang nasa plastic. hmm.. kakainin ko ang dalawa.. para walang makareklamo mamaya ng "sinong umubos ng otap!?!?!"..
ang mahirap lang sa otap eh nauubos.. sana para na lang syang bubble gum.. hindi nauubos. pero masarap talaga ang otap.. hmn. ubusin ko na kaya? tama! para walang ebidens. bakit nga ba masarap ang otap? ... alam ko na! kasi.. kasi.. kasi matakaw lang talaga ako. hmn. *nguya nguya*.. sana talaga parang bubble gum na lang sya.. tsk..
Posted at 06:12 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.4.2004
im foo. i chat. i blog. i eat. i sleep. like all of you people do, i piss more than once everyday and take a dump at least thrice a week.
Posted at 02:21 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.5.2004
pero ayoko na.
Posted at 10:39 pm by haifoo
Kras mo ko no?
12.6.2004
getting a spare monitor aint easy, but i needed one so i did the unthinkable.. i lied (harharhar). i got myself one thru the power of superiority over my cousins, and went off to do what i needed to do. i downloaded emails to my local folders, downloaded ms security updates, virus defs, spybot and adaware reference files, online apps updates.. all in three hours. and then i went on to creating a header image for my blog, as well as making small changes to the css and sidebar links. imma sleep satisfied with what ive accomplished all night. hai foo!
Posted at 09:52 pm by haifoo
Kras mo ko no?
12.7.2004
wow, antagal din namin di nagkita.. na miss ko sya todo. ewan ko ba. nainis kasi ako sa kanya noon, tinabla nya ako, kung kelan kailangan ko talaga sya. iniwan nya ako sa ere, so to speak. ansama ng loob ko, kaya iniwan ko din sya.. hah kala nya sya lang ang makakagawa nun? two can play this game... for more than a month wala kami communication, ni ha.. ni ho.. wala. paminsan minsan nakakasalubong kami pero parang wala lang.. kala mo hindi kami magkakilala, parang hindi kami nagsama sa iisang kwarto.. ilang buwan na nga ba? matagal na di ko na maalala.. pero masaya kami nung una, kahit mejo hirap kami sa buhay at hindi ko sya maibili ng gamit nya.. ok lang sa kanya, she still gives me the love and security that i needed. madalas napupuyat kami, naglalaro, nagkukuwentuhan.. haay nakakamiss din nung mawala sya bigla. marami ako nakilala habang hindi kami nagkikita, may mas maganda, meron naman parang daig pa ang tablang hindi niliha. pero syempre hindi ko naman sya ipinagpalit... mahal ko eh. patingin-tingin lang ako.. pero sya pa din lagi kong iniisip.
hindi ko alam kung anong humila sa kin pabalik ng maynila para hanapin sya.. actually hindi ko na naman sya kailangan hanapin, alam ko na kung saan ko sya makikita. nung una, atubili ako (wow ang lalim parang ngalangala ni ano.. ni kuwan.. basta..), pero nakahugot din ako ng ga-drum na lakas ng loob para harapin sya at muling kausapin. hindi ako bigo! hindi muna sya nagsalita.. pero alam ko ok na kami..
antagal namin hindi nagkasama... pero ngayon, parang walang nangyari.. at magdamag kami nag pindutan! i love you PC ko!
:: stats ::
AMD Athlon 2500+ Barton Core · Soltek NV64000L Mobo · 256MB Kingmax MM · 40GB Maxtor HDD · ATI Radeon 9600S 128MB · ThermalTake Volcano7 Exhaust · CDRW Drive · Internal 56Kbps Modem · Ozaki dotodot 300 Speakers and Subwoofer · Logitech Stereo Headset
Posted at 09:34 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.8.2004

Click here for larger image
Taken using Sony CybershotU 2.0MP at 800x600res
hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak yan.. pero ang tawag ni nanay rosing, alas-diyes. kasi tuwing 10am, bumubuka bulaklak.. tas sa hapon sarado na ulit lahat. galing. unlike some flowers i know.. nakabuka lang lagi.. plastic kasi.
Posted at 05:22 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.9.2004
ang mahiwagang turon at ang naghihingalong tilapia
minsan may isang naghihingalong tilapia ang napadpad sa malayong kabihasnan ng turonesdekasoylandia. sa kanyang talon talon habang agaw buhay sa paghihingalo ay natalisod sya sa isang bagay na nababalot sa dahon ng saging na saba (kung papano nya nalaman na sa saging na saba ang dahon na iyon ay isang misteryo... in short wala kayo paki). kinalikot sinundot nya ang dahon ng saging nang na saba may biglang nagsalita..
mahiwagang turon (MT): "kaibigang tilapia na meron yatang malalang kaso ng hika, pakawalan mo ako dito at bibigyan kita ng isang kahilingan"..
naghihingalong tilapia(NT): "omaygas aligasgas are my kaliskis hearing things?!? the dahon is talking!".
MT: oo isa akong mahiwagang turon. pag pinakawalan mo ako sa bigkis ng kapangyarihan ng dahon ng saging na saba, bibigyan kita ng isang kahilingan! kahit ano pwede kong ibigay!
NT: i cannot bilib yu! how can dis be, isa lang u na turon.. with all those yucky bananas inside and the equally kadiring pambalot deep fried with sugar to a crispy third-world country merienda snack!
MT: tarantado! totoo ako! hindi ka ba nanonood ng SCQ? kahit kamoteng hilaw dun sumisikat! ako pa kaya eh lutong luto na ako! i
NT: hmmm.. maybe ur telling da truth. maybe your not.. but i will make kalag of you only if you promise to take me to the pond.. no.. to the swamp na lang.. no no no... to the lake to the lake!
MT: gago. ayaw mo ko tulungan. di wag. maghingalo ka jan. kung gusto mo mag evolve ka.
end.
moral: wag kayo nagpapaniwala sa mga blogs na ginawa ng puyat na foo at 7am. isa itong malaking kalokohan. pwera na lang kung tilapia ka, at naniniwala ka sa theory of evolution.
Posted at 06:56 am by haifoo
Kras mo ko no?
12.10.2004
"its not the destination, its the journey that matters"
ilang beses ko na nga bang narinig yan? pero hindi ko naintindihan hanggang sa sumama ako sa unang akyat ko sa bundok. mt. makulot. umakyat kami ng walang dala kahit tent man lang. isang pirasong malapad na sako pang-tambil na binili namin sa palengke ng bauan, yun ang tent namin. mahirap akyatin, matarik sya. uphill climb from foot to the camp site. nung time na yun hindi ko iniisip ang journey journey na yan, excited lang ako na makarating sa tuktok. kulang ang tubig namin, walang pagkain kundi ilang pirasong delata.. ultimate trip lang. nasa kalagitnaan kami, ayoko na, bababa na ako, sa sulsol pa ng kaibigan kong wimp din katulad ko. kakapagod sabi ko, taenang trip toh.. papatayin yata ako.. pero nagpatuloy kami hanggang makarating sa talahiban.. malapit na kami sa camp site.. dun ko lang nakita kung gaano na kataas ang naakyat namin.. syet mataas sya.. may ulap sa paanan ko. yun ang unang beses na nakakita ako ng ulap na mas mababa sa akin. pagdating namin sa camp site, ayus na sana, kaso may 7-11 dun. nadissapoint ako ng konti, may tindahan sa ibabaw ng bundok. may kape, may sopdrinks, may gin.. taena may yelo!.. pero ok lang.. convenient sya. nag setup kami ng rambo-style na tent gamit ang sako namin. wala kaming kalan kaya nagsiga kami (kahit bawal, matigas ang ulo namin eh). matapos ang labing apat na taon, nakaluto kami ng kanin.. ang ulam laban na, sardinas straight from the can (at kung di ko dala swiss knife ko, malamang 3buwan bago namin yun nabuksan)..
"yun na yon?" tanong ko sa sarili ko nung gabi na nakahiga kami.. ganun lang ba? papakamatay pag-akyat, kakain, magiinuman sa tuktok ng bundok.. bababa at sasabihin "ang sarap sa bundok." parang hindi ko naintindihan.
kinabukasan, maaga ako nagising, niyaya ako ng kasama ko na akyatin ang "rockies".. pucha mataas din. nakakatakot pa kasi matarik.. takot pa naman ako sa ganun.. pero sige.. taena di ko nakuha ang ibig sabihin ng ginawa kong pagakyat sa camp site.. baka nandun ang kasagutan.. akyat kami.. 10minutes.. 15minutes.. malapit na ako.. pag lumingon ka sa baba kala mo vertical ka.. taena.. nginig na tuhod ko..
sa wakas.. nakatayo na ako sa tuktok ng rockies. may inabutan kami na nauna sa amin, kumukuha ng pictures.. at that point naisip ko na kung ano ang ibig sabihin ng walang katapusang pag akyat para makarating sa tuktok.. sa ibabaw ng rockies kita ko ang taal volcano, ang ilang bahagi ng batangas. ang ganda. may ulap sa ilalim ko.. kita ko ang malawak na lawa ng taal.. dun ko narealize kung bakit masarap umakyat. kasi sa ibabaw ng bundok, kita mo, ramdam mo, at ipinaliliwanag sa iyo ng paligid mo kung gaano ka lang kaliit s ibabaw ng mundo. at ang galing pala ng gumawa ng lahat ng mga ito. matagal ako tumayo sa ibabaw ng walang imik.. binubusog ko ang mata ko sa view na doon mo lang makikita sa ibabaw ng bundok. bumalik sa isip ko ang pagod ko pag akyat. isa lang ang conclusion ko.. "sulit".
bago kami bumaba nung umaga ding yon, nakapagdesisyon na din ako. aakyat ulit ako. at sa susunod hindi na ako magmamadali. its not the destination... parepareho lang ang makikita mo sa bawat tuktok ng bundok, mataas, may ulap, maganda ang view.. pero nasisiguro ko na ibat iba ang magiging experiences ko sa bawat bundok na aakyatin.. at sa tuktok, muli makapagiisip ako, ma-aappreciate ko yung mga bagay na hindi ko pinapansin sa baba. hindi na rin ako aakyat ng hindi handa.. parang buhay.. mahihirapan ka kung hindi ka handa..
banahaw. cristobal. natib. manabo. pico de loro. sa tuwing mararating ko ang peak, lagi ko sinasabi "yeah! i have conquered this mountain!".. pero pag ihip ng hangin na malamig pa sa yelo ng kapitbahay namin, at sa pagnganga ng panga ko sa paghanga sa tanawin na nasa harapan ko.. parang naririnig ko ang bundok na bumubulong sa akin ... "no foo... yet again, the mountain has conquered you."
Posted at 04:01 am by haifoo
Kras mo ko no?
|
|
|